Nagising ako kaninang umaga para manood ng hiniram ng nanay ko. Ang Ghost Rider at Pursuit of Happyness. Tapos nun, natulog ako...
Paggising ko naligo tas punta SM para manood ng Ocean's 13.
Okay.
Dito ko na lang ilagay yung review ah!
GHOST RIDER:
In fairness maganda sya. Madaling intindihin. Hehe. Si Johnny Blaze, well, was portrayed by NICHOLAS CAGE na isa sa mga paborito kong artista. Kaya masaya manood!
Basta, he ACCIDENTALLY sold his souyl to devil. Well, basta ang galing nya and all.
Maganda yung effects. Sobra! And feeling ko may part 2 sya. At hihintayin ko yun!
* * * * * stars
Pursuit of Happyness:
Well, si Will Smith ang bida kaya expected ng maganda. Drama siya at true story. Sobra! Haha.. Natatawa ako dun sa mamang sinasabing time machine yung scanner na binebenta nya. Wahaha.
Natouch ako sa story nya. T__T. Grabe, hindi nya tinigilan ang pagkamit nya ng pangarap nya!
Great movie!
* * * * *stars
OCEAN'S 13:
WAW! Adik ako sa palabas na ito. Well, ang main story nito ay revenge nila para kay Reuben. Haha, loyal sila sa isa't isa and all for one, one for all. Galing.
Wawa si Al Pacino! Hehe.. Panuorin nyo na lang. Basta, sya naman me kasalanan eh.
Dabest sina George Clooney, Matt Damon and Brad Pitt. Ang galing ni Don Cheadle! Natatawa ako dun sa part na pinalitan nila ung facial features nila! Pumangit sila.. Wahaha..
MAGANDA TALAGA TO!
* * * * *stars
Well yan na lahat yun. Ang ganda ng mga yan. Pramis!
Tuwa ako sa araw na to kasi yung tatlong palabas na napanood ko maganda.
Mga pangit na palabas na napanood ko dis week:
KAMA SUTRA 3
BOA
^__^
*12:02 am na ng June 9.