Eto..
Nangyari ito ng May 30, 2007.
*wag paniwalaan ang nasa blog
Nagunli ako ng mga 1am dahil kay Clauds kaso nakatulog agad. So, kami na lang ni Petut ang nagtxttxt. Dumating ang oras na nakatulog na si Petut. Ako naman, eto, tanga tanga, nakatulog ng 5am at nagising ng 7am!
Haha, pero umalis ako sa bahay ng 10am. Magbabayad kasi kami ng tuition fee. Tumataginting na 22,572.50 *ata*. Ang mahal! Sumama si Mami at Tita, kasi nga magpapapalit ng pera. Haha.
Ayun, nagpapic ako. Para sa ID. Eh antanga nga naman, nauntog pa ako sa ilaw at an tagal tagal kong nakaupo kasi yung bangs ko ang kulit. Kasing kulit ko. Kasing kulit ko. Kasing kulit ko. Haha..
Kain kami Jollibee. Tas pumunta na ako sa KFC para makasama Newton. Ayun! Si Lor-e! Straight na hair! At si Jose may abs na raw! 3 na magkakadikit pahalang. Hehe..
*Pero hinawakan ko, lambut lambut! Puro tabs!*
Ayun, late si Roemel kaya bumili na kami tickets. Habang naglalakad, kinalikot namin ni Lor-e ung bag ni JT. Hanggang ayun, naiwanan kami. Nakita namin sila at sinabing:
JT: Tim!
Steph: Chrissy!
(Tumingin silang 2 sa amin nasa escalator kasi sila.)
Medyo hinabol namin kaso di na namin naabutan. Shet! Naligaw at nawala kami sa ROB! Para kaming tanga! Hinanap namin sila! Naisipan naming pumunta sa Dept. Store para magpapage. Habang naglalakad, nalaman kong may klase pala si JT nung araw na yon! Haha.. 2:30 klase nya at 2:15 na nun. Kakabaliw. Narealize na rin pala ni JT na magpapapikchur pala kaya bumaba sila. Naisipan nalang namin na ipage sila. Wala lang. Trip trip.
Nakita na namin si Manong Guard at di pala dapat sa Dept. Store pupunta pagnawawala. (Tandaan niyo yan kids!) Pinapunta kami sa Customer Service sa tabi ng Sun Shop ba yun at Jolibee.
Sinulat namin ang hinahanap na si
ROEMEL JEYUSEP LUNA.
Korni, tas diretso na kami sa kameraworld. Ayun, nakita namin sila. nagjokjok na naman ako... Tapos, ayun nanood na kami.
*Dumating pala si Cean at may katabi syang lalaki. Akala ko Fafa niya! Hehe.. PolSci na pala yun sa UPM.
After nun, bumalik kami sa Kameraworld. Tas sinamahan namin kumain sina Leahli, Roe, Sally at She. Tas pikchur naming F4.
*Sori Lor-e, Row-e at Jos-e! F4 tawag ko sa inyo.
Nung umalis na yung apat, nagutom kami. So kumain ako, Lor-e, Jos-e at JayT-e sa Yellowcab. Tig-100 kami kaso 200 ke JayT-e! Haha.. Kumain kami ng Four Seasons na 14 inches, 18 na sana! 500 naman ang budget,
Nalaman kong hindi alam ni Jose ang sumusunod:
1. Susies dead (ganyan ba ispeling nun?)
2. magic square
3. san nakatingin ang resibo (walang piso nun, resibo lang)
4. ung ikaw ako..(lam niyo na yun)
Kawawa naman. Tas uwi na sila.
Ako?
Bumalik at nanood pa. Ang ewan.. ko.. Pero ung Pirates! (Pirates pinanood namin.. Nakalimutan kong sabihin,,) Ang ganda! Sobra! Astig!
Ayun.
Umuwi na ako, naghilamos diretso dito. Di na ako nagdinner. Di sa nagpapapayat ako. Dahil sa TINATAMAD ako. haha..
*Yung pirates astig talaga! Yabyoo Jack Sparrow!
Extras:
Gusto kong panuorin ang mga palabas na ito kaso kulang ang budget:
1. Ocean's 13
2. Simpsons
3. Transformers
4. HP5
5. Fantastic 4
6. Rush Hour3
7. NATIONAL TEASURE: BOOK OF SECRETS
8.Ratatouille (ba yun?)
9. Bee Movie (Burbank!)
10. HOSTEL PART 2
11. Evan Almighty
12. AVP2
13.Die Hard
14. BUG
15. Surf's Up
Dami no!
haha..
12:49 am na..
>__<