Kahapon nangyari to ah.. Late ako nagpost kasi di mapigil ang nanay ko sa kakagamit ng computer...
Kahapon, pupunta dapat kami sa UPD, kaso late na.. Baka di kami umabot so namasyal na lang kami. Ang kaso, umulan, pero nilakad namin mula SM Manila papuntang Quiapo... Haha.. Talaga palang magsasara na ang SM Quiapo no.. Clearance Outlet na talaga siya... Maraming damit dun kami tumitingin tingin muna ako ng damit dun para sa debut ni Thea. Wala akong mahanap talaga.
*Di ko alam kung pupunta pa ako sa birthday ni Thea. Wala kasi akong damit. Ayoko kasi ng mga damit sa bahay. Pagwala talaga akong mahanap, di na lang ako pupunta.. >__< Padadalhan ko na lang siya ng sulat.. Oooops! Baka mabasa ito ni Thea. Wag kayong maingay.
Ayun, so diretso kami sa Recto, sumakay ng Jeep papuntang Blumentritt. Nagpapabili kasi sa akin yung nanay ko ng longganisa. Masarap longganisa sa Blumentritt eh. Fresh. Iyon nga ulam namin ngayon eh. Haha..Tas pumunta kami sa SM. At naglaro at nagubos na naman si Tita ng pera... Basta, adik na siya dun. Di ko nga alam kung pano pipigilan. T__T
*Oo nga pala, nakita ko si Alyssa Jean G. Yaya kahapon. Ampayat niya na! Pano na ako? >__<
Tas naglakad na kami pauwi. Sayang daw pamasahe. Paguwi... Naggm ako.. Tas humiga at nakatulog..
ZZZZZZZZZZZZZZZZZZ...
Nagising na lang ako ng mag ibang nagggm na rin. Nanuod ako ng Bubble Gang. Di pa ako inaantok nun. Buti na alng nagtet si Roemel.
"May landlyn ba keo"
Sagot ko naman.. "2549475"
At tumawag siya. Dun nagsimula ang lahat. 1am na un. Haha, first time
nila magkaroon ng telephone. At excited siyang gamitin! Yahoo! Ayun, DSL na sila at 5 days pa pala makakabit DSL namin. Binaba ko yung phone. Tumawag siya muli at this time tatlo na kami sa phone! Ako, Jose, Roemel. First time ko yun! Party Line! Kaso walang ilaw at tugtugan.
Nagtext si Rene. So gising pa siya!!!! Pwede yata apat.. Kaso, pinababa ko yung phone, kasi maghihilamos lang ako. Tas tinext ko si Roemel na tumawag. Tulog na raw Jose, at di siya marunong gumamit nung phone.. Pinduti ko raw yung flash, tas ganyan, tas ganun... Di gumagana. So ginising namin si Jose. Ayun nagusap ulit kaming tatlo.
*Magkaboses si Jose at Roemel.
Tas sa sobrang ingay namin, pinatulog na tuloy si Roemel. Kaya tinawagan ni Jose si Rene. Ayun! Nag-usap kami hanggang malapit ng mag 4am. Haha adik! DSL na pala si Rene at naiinggit talaga ako. Ayun, si Jose, may hinihimas pala tuwing gabi. Haha..
Gising pa si Petut fren at Maki nung mga oras na yun. Ayun, usap usap kami sa phone ng MATAGAL. Haha. Ok naman..
*Magkaboses si Jose at Rene.
*Teka naalala niyo ung incident na kala ko si Roemel si Rene? So macoconclude natin na if Jose=Roemel and Jose=Rene then Rene=Roemel, and it was already proven! Haha..
Ayun, pinatulog na si Jose at namatay na yung linya.
Di ako makatulog so nagGM muli ako. Tinext ko na rin sina Petut, Maki, Jose at Rene. Tanging si Rene na lang ang nagreply. Tinulugan na nila ako! Huhu.. At pinapatulog na rina ko ni Kuya Rene. Pinababasa niya pa nga ako ng libro eh. Kaso di kasi ako kasing GC niya eh. Hehe.
Ayun.. Nagising na lang ako sa ingay ng drums dahil may kandidato pala.
Ano pa ba, ayun, nanood na lang ako ng Eat Bulaga.. Kilig na kilig si Pia kay Bossing Vic! Woohoo..
Haha,,,
4:57pm na.
^__^Labels: telebabad blues