Nandito na naman ang inyong pinakamamahal na meymi ng bayan. Kahit na nung mga nakaraang mga araw medyo nagaagaw ang kapighatian at kasiyahan sa puso ko, nalaman kong nangingibabaw pa rin sa akin ang kasiyahan.
Ngayon ay Martes. Ikatlong araw ng linggo. Wala masyadong kaugnayan yan sa aking ilalathala ngayon. Kanina ay masaya, naman kahit alam ko na yung iba kong mga kaklase ay hindi na masyadong nakikipagusap sa akin. Pero hindi naman sila ganoon ka importante. Ipinapakita kasi nila na kailangan ko sila. Ayokong magdrama ngayon.
"Ang Paglalakbay ng Ating Sugo este Sugpo sa Araw na Ito"
Si Steph ay nagtest sa math kanina, at dahil wala siyang alam, alam niyang babagsak siya. Napawi ang kalungkutan ni Steph nang malaman ang kanyang nakuhang iskor sa pagsusulit sa TLE. Wala ng iba pang klase si Steph. Isa lang pala.. MAPEH!!! Wala ang guro ni Steph. Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa silid aralan sa asignaturang Filipino. Nagtalakay lamang sila ng El Fili na tiyak na HINDI kinagigiliwan ng mga bata, lalo na ni Steph. Tapos non ay tanghalian na nila. Pumwesto siya sa tabi ng palikuran ng mga lalaki na sobra ang panghe. Wala siyang magawa dahil pinalayas sila sa lugar na mas mahalimuyak.
Kinilabutan na naman si Steph dahil nagkaroon sila ng pagsusulit sa asignaturang Ingles. Buti na lamang ay medy alam niya. Tapos noon, wala siyang ginawa sa asignaturang Pisika. Gumawa lamang siya ng takdang aralin para sa asignaturang Adchem. Tapos noon wala na namang klase.
Kasama ni Steph kanina si Soleil. Habang naguusap sila, may naamoy silang hindi kanaisnais. Kala ni Steph ay naglabas siya ng sama ng loob. Iyon pala, nadumi ang isang batang nasa ikatlong taon. Lalaki siya, maputi pero mabaho ang kanyang amoy. Nagtawanan na lamang sila. Nang umalis ang nasasakdal, bumango ang paligid. Nakalanghap na naman sila muli ng sariwang hangin.
Malapit ng magtapos ang paglalakbay ni Steph para sa araw na iyon. NagAdchem lamang sila at uwian na. Wala kasi silang Ekonomika.
Pumunta siya sa Rob at bumili ng pamalit ng laman para sa kanyang G-Tech at isang notebook. Bumili rin siya ng libro. Pagkatapos noon ay umuwi na siya.
Nagbasa siya ng Little Prince, tapos ay nanood ng Gless House, at American Dreamz. Ngayon ay may ginagawa siya sa harap ng kaniyang laptop.
Diyan nagtapos ang kanyang paglalakbay...