haayy...
di ba ang blog ay parang personal diary?? Arghh..
Tinatamad na ako gumawa ng bagong blog.. Kainis.. Pakshet.. Kaya eto na lang.. Wag nio ng bisitahin blog ko... Pabayaan nio na lang lumuma... Haayy..
Madami kasi akong gustong isulat na hindi ko masulat sulat.. Malapit na malapit nang masira ang buhay ko... Parang nasa edge na sya ng isang cliff.. Konti na lang talaga ang natitirang panaho.. 90% ang probability na babagsak ako sa malalim na bangin.. 9% magsastay ako sa posisyon na iyon.. At 1% na lang ang natitira na makarating ako sa point na hindi na ako babagsak kahit lumindol pa...
Hay.. Nakikita mo ba... Dami problema, mababaw man o mabigat.. Sa eskwela o sa bahay.. Napaparanoid lang siguro ako no?? Pero ganun talaga ehh.. Sadyang kay lupet ng buhay sa akin..
Marami na talagang problema.. Nadadagdagan pa... Dumadami pa lalo.. Sa school marami, sobra.. Ambababa ng grades ko.. Nasobraha na ako sa kabobohan, sa pagkasobra nito, nagkakaroon na ako ng crab mentality.. Grabe... Kung alam niyo lang...
Tanggap ko rin na maraming taong hindi nakakaintindi sa akin.. Ewan, piling mga tao lang... Yung mga simple lang, di magara in any way...
Nagtatanong ba ako kung ok ba akong friend, kung masama ba ako, kung plastic ba ako.. At sabi naman nila hindi naman daw.. Hindi ko alam kung totoo or sinasabi lang nila para di ako magalit.. May isang nangahas na magsabi ng totoo, at natanggap ko naman yun..
Ok lng ba na masayahin ako? Ok lng siguro, yun nakasi yung image na napakita ko sa madla eh.. Hirap ng baguhin yun.. Si Steph? magseseryoso?? No way... Baka sabihin nila may problema ako or kung ano man...
Anghaba na ng ginagawa ko..
"wag mo pansinin ung ibng tao ok? kng masaya ka sa kung ano ka ngyon.. then be dat way! if ur happy........"
haha, salamat sayo.. Buti may tao pa palang ganyan.. ^__^.. Nakakaintindi...
Sorry nga pala sa mga taong ngayon lang ako nakilala ng lubos, or literally ngayon lang talga.. Ganito lang talaga ako.. Mataas talaga ang PRIDE.. Kasi talaga, para sa akin, pag nasabi ko na, di ko natalaga binabawi.. At oo nga pala, IMMATURE talaga ako, tanggap ko.. Pero mababago din naman yan eh, magigi rin akong mature, pero hindi ngayon, sa susunod siguro, next day or next year...
Wala na ako masabi, andami ko ng napost.. Sorry sa lahat... SORRY.. sincere yan.. Kayo na bahala kung patatawarin ninyo ako.. Lilinawin ko lang, di ako galit kaininuman, kala ko kasi galit kayo sa akin... Yun lang..