Eto ang sandosenang pagkain na hinding-hindi ko hihindian. In no particular order. Hehe.
[01] Choco Mallow Pie. Akala ko dati, wala nang dadaig pa sa Peach Mango Pie. Subalit ako ay nagkamali. Gustung-gusto ko yung kombinasyon ng tsokolate at marshmallow na tunaw. Ang mas lalo pang nagpasarap sa kanya, hindi masyadong matamis yung tsokolate, medyo mapait-pait pa nga e. Kaya ako napapa-Jollibee lagi ngayon e dahil dito.
[02] Half-ziti with Meat Sauce. Kung mayaman lang ako, eto ang gagawin kong midnight snack araw-araw. At hindi ako magsasawa. 98 pesos sa Sbarro, kaya para makatipid, madalas, nagtutubig na lang ako (dinadagdagan ko pa kasi ng White Pizza pag yun na yung hapunan ko). Yun nga lang, depende sa branch kung gaano kadami ang ise-serve sa iyo. Sa Rob Place Manila, medyo madami-dami sila maglagay. Sa Southmall at Festival, hindi ka mabubusog. Masyadong mahal ang Whole Ziti. Nirereserba ko para sa mga espesyal na okasyon. *wink*
[03] Kwek-kwek. Kung hindi mo alam na ito yung itlog na kulay orange na sinasawsaw sa suka, saan ka bang planeta nanggaling?!? Wala pa akon injection para sa Hepa A, pero shet, bahala na. Masarap talaga siya kahit pa sabihing pagkaing kalye. Nga pala, kung kwek-kwek ang tawag pag quail egg, ano naman ang tawag kapag itlog ng manok na may kulay orange na harina? Sagot: kwak-kwak.
[04] Tokwa. May binibilhan ako ng tokwa dito sa may Pedro Gil. Walong piso isa, kaya dalawa lagi binibili ko. Masarap na side dish. Sulit na meryenda. Kapag nagpiprito nito dito sa bahay, isang mangkok ang kaya kong ubusin. Pwede na rin ang tofu sa ChowKing. Mahal nga lang.
[05] Beef Motong, Meryenda Size. Nabanggit na rin lang ang ChowKing, diretso na ako dito. Gusto ko lang muna linawin, kahit singkit ako, wala kaming lahing Oriental. Hindi kami Chinese. Hindi Japanese. Hindi Vietnamese. Kahit ano pang -ese. 100% Pinoy po ako. Pero mahilig ako sa noodles. At ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Beef Motong ng ChowKing. Dapat may kalamansi. Kasi kung wala, nakakasuya. Hindi pala ako marunong mag-chopsticks. Hehe. Pwede naman kutsara at tinidor eh! =p
[06] Cadbury Dairy White. Adik ako sa tsokolate. Hindi ako nawawalan ng tsokolate sa apartment. Magugunaw ang mundo ko, pramis. Sa totoo lang, ang pinakagusto kong tsokolate ay Three Musketeers (malambot kasi at walang nuts; oo, ayaw ko ng mani sa tsokolate). Pero hindi ako madalas makakita nun e. Cadbury ang pinaka-abot-kamay. Syempre, abot-kamay na rin lang, gawin ko nang abot-bibig. Hehe.
[07] Mango ice cream. Kahit anong brand. Kahit umaaraw o umuulan. Kahit galing supermarket o nabili kay mamang sorbetero. Basta mangga, masarap.
[08] Jolly Spaghetti with One-piece Chickenjoy, Extra Rice, Iced Tea. Ako po ay batang Jollibee. Sinawaan kasi ako sa McDonald’s nung high school (paglabas mo ng school, McDonald’s ang sasalubong sa iyo). Kapag mag-isa lang akong kumakain, na dumadalas sa kasalukuyang panahon (awwww… hehehe, ang drama!), sa Jollibee ako kumakain. At ito ang madalas kong order. Nami-miss ko ang Jollibee sa 4th floor ng Megamall (kung saan ako nagtrabaho last summer) kasi sila ang naglalagay ng pinakamaraming sauce sa spaghetti. Ang crispy chickenjoy ay self-explanatory. Halos lahat naman ng Pinoy, gusto ng malutong na balat ng manok.
[09] 7-11 Baconsilog. Recent discovery nang minsang magpuyat ako sa Maynila at walang-wala na akong pera. Sulit. 35 pesos lang, 39 pesos pag may iced tea. Taliwas sa unang akala, maraming bacon. Bitin nga ang kanin e.
[10] Pepsi Twist. Naiinis ako kasi dati, sa KFC ka lang makakapag-order ng Pepsi Twist. Ngayon, maski sa kanila, wala na rin! Minsan, meron sa Tokyo Tokyo, pero depende sa branch. Gusto ko yung after taste niya. Madalas kasi, nasusuya ako sa tamis ng Coke. Pero ang Pepsi Twist, swabe. Yun na yun. Kaya lagi rin itong nasa ref namin sa apartment.
[11] Mango Iced Tea. Eto, either gustung-gusto mo siya, o ayaw na ayaw. Kakaiba ang lasa. Pero trip na trip ko. Humahagod sa lalamunan at masarap na pamatid-uhaw. Eto ang “juice” counterpart ng Pepsi Twist. Masarap kasama pag nagpupuyat para sa isang exam.
[12] Nescafe Ice. Kung hindi ito naimbento, malamang, marami-rami rin akong exam na hindi naaral na matino. Ito ang epektibong pamgpagising ko kapag madaling-araw na, hindi pa ako tapos mag-aral at gusto nang lumuwa ng mga mata ko. Mas masarap kapag tinimpla dalawang oras mag-review at nilagay sa freezer bago inumin.