Ako kasi yung taong maingay na alam naman kung kailan titigil. Ako rin kasi ang clown ng klase, ang nagbibigay ng punchlines araw araw, nagpapauso ng mga walang kakwentakwentang bagay na pinagkakaguluhan nila at lahat lahat ng maiisip mo na kagaguhan. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko na sa lahat ng ginagawa ko, may naiinis kaya sa akin??? Alam ko naman na lahat ng mga tao ngayon ay plastic, yung mga taong galit sayo pero kapag kaharap ka nila ay kala mo mapagkakatiwalaan mo sila. Ang pagiging plastic ay kakambal ng pagiging backstabber. Sa totoo lamang, mas mabuti pang maging pranka at sabihin ng harapharapan kaysa siraan mo patalikod. To tell you the truth, ganyan ako. Pag alam kong sinisiraan na niya ako, tinatapat ko na siya at tinatanong kung galit ba siya sa akin. Kung galit ako sa kanya, sasabihin ko sa kanya in an assertive way, yung mga maling dapat niyang baguhin.
Hay, balik tayo sa totoong topic, nakakainis nga ba talaga ako? Ako, siyempre, hindi ko masasagot yan. Alam niyo naman kasi na ako yung batang parang kulang sa pansin, pero sa katotohanan hindi pagpansin ang aking gustong makamit. Minsan, nagiingay ako or nagpapatawa, dahilan sa gusto ko lamang ito. Gusto ko lang kasi ipaliwanag na hindi naman sa lahat ng oras, gustong magpapansin ng isang tao, minsan gusto niya ring itago kahit na katiting na parte ng kanyang buhay. KAtulad ko, ako ay isang taong open sa lahat ng bagay. Nakikita lang ako ng mga tao as makulit masiyahin pero ang tunay ay pessimistic ako. PAlagi kong iniisip ang mga negative outcomes kesa positive.
Ako rin kasi yung tinatawag na pikon. Mahilig ako mang asar at manloko ng kapwa ngunit kung turn na nilang asarin naman ako, feeling ko dinudumihan na nila ang buong pagkatao ko. Kung sa totoo lamang, inis din ako sa mga taong feeling mo kawawa. Yung mga taong inapi ka o mayroong ginawang masama sayo kaso papakita nila sa madla na ikaw ang nagkasala. For an example, galit yung taong yun sayo at sinisiraan ka niya behind your back, siyempre magagalit ka. Aawayin mo sila at iiyak sila sa lahat ng tao. Iisipin tuloy nila na totoo yung mga rumors na kumakalat tungkol sayo. Dehado ka niyan. Isa ko pang kinaiinisan yung mga taong alam na nilang galit ka na, tatanungin ka pa nila kung galit ka sa kanila. Kasi, bakit andaming taong mga tanga at ang konti ng mga taong mayroong common sense??
Sa lahat ng nabanggit ko sa itaas, pwede nio na masabi kung nakakainis ba ako o hindi. Hindi niyo na kailangan sabihin pa sa akin. Sagutin nio na lang sa inyong isipan kung nakakainis nga ba ako o hindi....