Waahh,., la ako intro..
Pero dun na talaga tayo sa mismong topic..
Tama nga yung sinasabi nila, hindi natin maiiwasan na mawalan tayo ng kaibigan pero hindi ibig sabihin nun, hindi ka na magkakaroon ng iba pa.. Ok, yun nga, wala na ang friendship or something na nagcoconnect sa aming dalawa ng aking kaklase. Kala ko yun na yung end.. Kala ko, wala na. Pero mali ako ng akala, madadagdagan din pala ulit yun.. Hindi lang isa bilang kapalit, kung hindi ay dalawa pa.. Haha, hindi ko ineexpect na tinuturing nila akong kaibigan.. Oo, kaibigan sa kaibigan, pero wala lang.. Haha.. Ganun talaga..
Totoo talaga yun.. Wag na tayong malulungkot dahil nawawalan tayo ng kaibigan..Ayon nga sa aking bestfriend na napakatanyag, every action has its opposite and equal reaction.. Di lang pala equal.. Mas malala pa.. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa dahil lahat ng ito ay isang pagsubok lamang.. Huwag nating iisipin na wala na, sira na buhay natin, dahil wala na tayong kaibigan.. Tanggapin natin na ang kaibigan ay hindi pang habang buhay.. Ngayon lang yan, pero sa susunod, makakahanap din sila ng mga bagong kaibigan. Kaya kung ako sa iyo, maghahanap pa rin ako.. Wala namang mangyayari kung magkakaroon ka ng bagong kaibigan ah.. Walang masama dun.. Talgang tanggapin na natin na nothing lasts forever.. Wag natin laging isipin na true friends will never leave you chuva.. Isipin lang talga natin na lahat ay mawawala rin.. Pero sa bawat isang hibla o tinik sa buhay mo, may darating pa rin na bagong pag-asa, mas maganda, mas masaya, kaysa sa mga nauna.. Oo, tandaan natin to.. Tama naman to eh, ito naman ang katotohanan ehh... Pero, kung talagang kaibigan mo talaga sya, tanggapin mo na lang na mawawala sya, pero wag ka malulungkot, dahil sa pagdaan niya sa buhay mo, kahit iwanan na kayo ng panahon, kahit iwanan ka na niya, pinasaya ka niya ng lubos.. Kahit mabago na ang lahat, kahit naging masama na sya, kahit kinalimutan ka na niya, laging tandaan na kahit sandali lang sya sa buhay mo, at least, hindi ka mabubuo kung hindi dahil sa kanya.. Kahit sabihin mo ng wala syang kwenta, pero kung wala sya dun, iba na ngayon ang buhay mo...
Bakit ba ako nagkakaganito? Haha.. Naghahanap ng pagsasabihan ng katotohanan.. Oo, tinatanggap ko, di ako totoo sa sarili ko, kaya nga ako yung type ng ato na naghahanap ng katotohan, pero sa paghahanap ko, narealize ko na hindi pala realidad ang ang kailangan ko..Hindi yun ang dapat hanapin ko.. Dahil saan man ako mapunta, saang sulok man ng mundo, hindi ko mahahanap yun, Nasaaakin lang naman kasi ang katotohanan.. Hindi ko na pala kailangan maghanap.. Ako mismo ang katotohanan, ang realidad.. Kailangan ko lang maging totoo sa sarili..
Medyo amsaya, dahil medyo madali ang steps ng dale candela.. Haha... Wala naman masyadong ginawa, napgpaclass picture lang.. Wala si JT at DEBOTA.. Haayy.. Okei lang..
La na ako masulat.. Gagawa pala kami ng turon bukas.. gagamitin ko ang special recipe ng Macalines.. Haha.. Aral muna.. GC mode.. ^__^